Bill Gates got CONfused!!! (try this)

September 6, 2007

Subukan. Galing sa di-mapagkakatiwalaang pinagmulan.

Even Bill Gates got CONfused!!! An Indian discovered that nobody can create a FOLDER anywhere on the computer which is named as “CON”. This is something pretty cool.. and unbelievable. At Microsoft, the whole team, including Bill Gates, couldn’t answer why this happened.. Inform your friends, or try it now, it will not create a “CON” folder. Create and rename the New Folder as CON or con.and it wont be accepted!

Advertisements

Ang kwento ng dismayadong SmartBro user

August 30, 2007

Noong Mayo ng 2004 ay nagpakabit kami ng Internet sa Meridian Telekoms, Inc.(na ngayon ay SmartBro) sa pinatayo naming computer shop. Dati kami lang ang mayroong Internet access sa lugar na iyon na iki-natuwa ng marami naming customer. Nung halos unang taon namin naka-connect sa Meridian halos wala kaming prublema sa connection at maganda ang kanilang serbisyo.

Pagkaraan ng ilang buwan ay binili ng Smart ang rights ng Meridian[1], na ibig sabihin nito ay magiging SmartBro na ang aming connection. Isang araw ay tumawag ang Smart sa akin at sinabing papalitan daw nila ang aming antenna ng Canopy (na dati ay Senfar) upang mas mapaganda ang kalidad ng kanilang connection (upgrade daw). Subalit taliwas sa kanilang sinabi ang nangyari. Nakaranas kami ng intermittent connection na tumagal ng halos 3 linggo na naging sanhi ng unang buhos ng pagkalugi ng aming negosyo. Paulit-ulit akong tumawag sa Smart upang i-reklamo ang nasabing prublema. Pagkaraan ng halos 2 linggo ay natugunan na din ang aming hinaing (sa wakas). Ipinabalik ko sa dati naming antenna na Senfar. Sabi ng technician ay balak na daw kasi nilang palitan ang lahat ng Senfar ng Canopy sapagkat tatanggalin na nila ng transmitter na para dito. Naging maganda naman ang connection namin na umabot ng halos isang taon. Read the rest of this entry »

Ang “Hello World” Program sa C++ (Linux)

August 13, 2007

I. Panimula

Ang C++ ay computer programming language. Kinakailangan nito ng compiler upang i-convert ang text sa executable program. Maraming libreng compiler sa internet tulad sa mga nabanggit dito sa website na ito Free Compiler . Ngunit magko-concentrate tayo sa GCC, ang karaniwang ginagamit na compiler sa Linux.

Hindi sinasaad sa artikulong ito ang C++ Language, bagkus ito ay mga hakbang lamang kung paano mag-compile ng program. Para sa C++ Language, maaari ninyong i-download ang free e-book na Thinking in C++ sa http://www.mindview.net/Books/DownloadSites/

II. Mga Kailangan at Set-up sa pag-compile

Kung ang distro mo ay Ubuntu o Debian base, madali lamang itong i-setup. Kailangan mo ng ipasok ang Ubuntu Installer CD sa CD Drive at i-type ang command na ito.

Code:

# sudo apt-get install build-essential

Kinakailangan mo din ng text edit tulad ng vim, emacs, nano at gedit upang makagawa ng source file. Karaniwan na itong built-in sa mga distro tulad ng Ubuntu.

III. Ang Unang Program.

1. Buksan ang text editor. itype ang command na
Code:

# gedit main.cpp

o kya i click sa Application>Accesories>Text Editor na makikita sa toolbar.

2. I-type ang source code.

Code:

#include <iostream>
using namespace std;
int main() {
    cout << “Hello World” << endl;
    return 0;
}

I-save at i-exit

3. I compile ang source code. Sa ganitong hakbang iko-convert niya ang source code (ASCII text) at magpo-produce siya ng executable na file. Itype ang command na ito.
Code:

# g++ -o hello main.cpp

4. I-execute ang nagawang program.

Code:

# ./hello

Hola! dapat makita mo ang output na “Hello World” sa screen.

Quote: #1

August 9, 2007

Newton’s Third Law of Motion

In every action there is an equal and opposite reaction.

— Isaac Newton

5 Pinaka Makabuluhang Websayt (2007)

August 8, 2007

Ito ang mga websayt na malimit kong gamitin sa pang araw-araw na buhay.

5. GMail – libreng POP3 e-mail features na pwedeng gamitin sa e-mail client application gaya ng Thunderbird o kya Outlook Express.

4. del.icio.ussocial bookmarking site. Marami kang pwedeng madiskubreng site na binu-bookmark ng ibang tao. At kahit nasaan ka man ay maaari mo pa ring ma-access ang iyong bookmark dahil naka-save ito sa websayt.

3. YouTube – sikat na video websayt. Sobrang daming videos na nakaupload tulad ng music videos at kung anu-ano pa.

2. Google – Halos araw-araw kong ginagamit na search engine.

1. Wikipedia – Ang libreng ensiklopedya. Madami kang matutunan tungkol sa mga bagay-bagay na ginawa at in-edit ng ibang tao.

Ang mga sumusunod na listahan ay maaring magbago sa pagdating ng panahon na ‘di lalampas sa taung 2007.

Unang Blog

August 3, 2007

Hello Blogger,

Ito ang aking unang blog. Tungkol ang blog na to sa programming, syensya, teknolohiya, pilosopiya at kung ano-ano pa. May angal?