Archive for the ‘web’ Category

CSS Rounded Corner in Firefox

July 26, 2008

This is how to create rounded corners in Firefox ( only tested in firefox 3; IE not supported ).

Selector used:

  • border
  • background-color
  • -moz-rounded-border

URL: CSS Rounded Corner in Firefox

Advertisements

Listahan ng mga Pilipinong Komunidad sa Internet

December 20, 2007

Ang mga sumusunod na listahan ay ang mga Pilipinong komunidad na matatagpuan sa Internet. Maaari kang maki-halubilo sa ibang tao na iyong nais na paksa at magpahayag ng iyong kaalaman at makakuha din ng kaalaman sa ibang tao.

Hardware

  • PinoyPC.net – Ang site para sa mga mahilig sa computer, hardware man o software.
  • TipidPC – Ang online black market para sa bentahan ng computer. Maaari kang magbenta at bumili sa mas murang halaga.

Software

Samut-samut

  • Mukamo – Ang komunidad para sa Pilipino.
  • Rakista – Ang komunidad para sa mga old-school na rakista at mga makabagong rakista.
  • Pinoy Photography – Ang komunidad para sa mga mahilig at gustong matuto sa photography.

Ang paggawa ng simpleng HTML

December 20, 2007

Ang HTML ay isang uri ng lenguaheng markup na ginagamit sa paglipat ng dokumento across Internet gamit ang web browser. Ito ay may kahulugan na Hypertext Markup Language. Maaari ka ding gumawa ng sarili mong HTML gamit ang iyong paboritong text editor tulad ng notepad at makita sa web browser tulad ng Internet Explorer at Mozilla Firefox. Marami ding editor na software na ginagamit para sa pag-edit ng HTML files tulad ng Microsoft FrontPage. Ang artikulong ito ay nagtuturo kung paano ang paggawa ng simpleng webpage.

Ang HTML ay mayroong mga bukas na tag at saradong na tag na naghahati-hati sa bawat sektion ng dokumento upang makagawa ng elemento o elements. Upang lalung mas maintindihan ang kaibahan ng tags at elements, tignan. Ito ang isang simpleng halimbawa ng dokumentong HTML.

<html>
<head>
<title>Ang aking Unang HTML na pahina</title>
</head>
<body>
<h1>Ang aking Unang HTML na pahina</h1>
<p>Lorem ipsum dolor sit amet, consectetuer adipiscing elit. Nullam eget quam. Sed at augue.
Fusce vulputate interdum nisl. Vestibulum eleifend sollicitudin dolor.
</p>
</body>
</html>

Maari mo itong kopyahin sa Notepad at i-save sa filename na index.html. Buksan ang iyong browser at i-open ang nagawang file.

5 Pinaka Makabuluhang Websayt (2007)

August 8, 2007

Ito ang mga websayt na malimit kong gamitin sa pang araw-araw na buhay.

5. GMail – libreng POP3 e-mail features na pwedeng gamitin sa e-mail client application gaya ng Thunderbird o kya Outlook Express.

4. del.icio.ussocial bookmarking site. Marami kang pwedeng madiskubreng site na binu-bookmark ng ibang tao. At kahit nasaan ka man ay maaari mo pa ring ma-access ang iyong bookmark dahil naka-save ito sa websayt.

3. YouTube – sikat na video websayt. Sobrang daming videos na nakaupload tulad ng music videos at kung anu-ano pa.

2. Google – Halos araw-araw kong ginagamit na search engine.

1. Wikipedia – Ang libreng ensiklopedya. Madami kang matutunan tungkol sa mga bagay-bagay na ginawa at in-edit ng ibang tao.

Ang mga sumusunod na listahan ay maaring magbago sa pagdating ng panahon na ‘di lalampas sa taung 2007.