The Atheist’s Prayer

January 26, 2011

Our brains, which art in our heads,
treasured be thy name. Thy reasoning
come. Thy best you can do be done
on earth as it is. Give us this day new
insight to help us resolve conflicts and
ease pain. And lead us not
into supernatural explanations,
deliver us from denial of logic.
For thine is the kingdom of reason,
and even though thy powers are limited,
and you’re not always glorious,
you are the best evolutionary adaptation
we have for helping this earth now and
forever and ever.
So be it.

Reference: http://www.nobeliefs.com/GAMOW/GAMOW24.htm

Advertisements

CakePHP + jQuery.notifyBar

September 4, 2010

Ang notifyBar ay ginagamit upang magbigay ng impormasyon sa user. Tulad halimbawa pagtapos ng pagsave, sasabihin ng web application sa user kung ito ay matagumpay o may error.

Ipapakita dito kung paano i-setup at paggamit ng jQuery.notifyBar sa Session->flash() ng CakePHP. Read the rest of this entry »

fdisk

November 23, 2008

Kung nais mong ilista ang mga hardrive na naka install sa iyong motherboard, maari mong i-execute ang command na ito:

sudo fdisk -l

Ang lalabas na resulta ay dipende sa iyong hardware na katulad nito:

Disk /dev/sda: 120.0 GB, 120034123776 bytes
255 heads, 63 sectors/track, 14593 cylinders
Units = cylinders of 16065 * 512 = 8225280 bytes
Disk identifier: 0xe8df87bc

   Device Boot      Start         End      Blocks   Id  System
/dev/sda1   *           1       13575   109041156    7  HPFS/NTFS
/dev/sda2           13576       14593     8177085    5  Extended
/dev/sda5   *       13576       14475     7229218+  83  Linux
/dev/sda6           14476       14593      947803+  82  Linux swap / Solaris

CSS Rounded Corner in Firefox

July 26, 2008

This is how to create rounded corners in Firefox ( only tested in firefox 3; IE not supported ).

Selector used:

  • border
  • background-color
  • -moz-rounded-border

URL: CSS Rounded Corner in Firefox

READ program (Linux)

March 11, 2008

Ginagamit sa pagkuha ng string user input sa standard stream. Halimbawa ay username and password.

Gamit

Ito ang halimbawa ng pagkuha ng username.

read -p 'Enter your username: ' USERNAME

Maiistore ang nakuhang string sa variable na USERNAME, para makita ang naiistore na value, patakbuhin ang command na `to.

echo $USERNAME

Ang halimbawa naman ng pagkuha ng password. Hindi nito ine-echo ang tinatype na characters sa standard output.

read -p -s 'Enter your password: ' PASSWORD

Subukan i-echo ang naistore na value.

echo $PASSWORD

Taong 2038

January 30, 2008

Sa darating na 2038 ay may isang malaking kaganapan na mangyayari sa mundo ng computer. Sa susunod na 30 taon (mula ng sinulat ang artikulong ito), eksaktong oras ng 03:14:07, Enero 19, 2038 ay mapupuno na ang UNIX time na gumagamit ng 32-bit. Ito ang kalimitang ginagamit na oras upang mai-define ang oras sa UNIX.

Maraming maapektuhan na program sa UNIX ang pwedeng tamaan ng bug na ito. Lalu na sa mga servers kung saan kalimitan ay gumagamit ng UNIX o kya naman ay Linux. Marami ding natalang prublemang naganap nuong pagdating ng Taong 2000, mas kilala sa tawag ng Y2K bug o “Millenium Bug” na matatagpuan sa sa Year 2000 Problem (Wikipedia).

Abangan ang mga susunod na mga pangyayari.

Listahan ng mga Pilipinong Komunidad sa Internet

December 20, 2007

Ang mga sumusunod na listahan ay ang mga Pilipinong komunidad na matatagpuan sa Internet. Maaari kang maki-halubilo sa ibang tao na iyong nais na paksa at magpahayag ng iyong kaalaman at makakuha din ng kaalaman sa ibang tao.

Hardware

  • PinoyPC.net – Ang site para sa mga mahilig sa computer, hardware man o software.
  • TipidPC – Ang online black market para sa bentahan ng computer. Maaari kang magbenta at bumili sa mas murang halaga.

Software

Samut-samut

  • Mukamo – Ang komunidad para sa Pilipino.
  • Rakista – Ang komunidad para sa mga old-school na rakista at mga makabagong rakista.
  • Pinoy Photography – Ang komunidad para sa mga mahilig at gustong matuto sa photography.

Ang paggawa ng simpleng HTML

December 20, 2007

Ang HTML ay isang uri ng lenguaheng markup na ginagamit sa paglipat ng dokumento across Internet gamit ang web browser. Ito ay may kahulugan na Hypertext Markup Language. Maaari ka ding gumawa ng sarili mong HTML gamit ang iyong paboritong text editor tulad ng notepad at makita sa web browser tulad ng Internet Explorer at Mozilla Firefox. Marami ding editor na software na ginagamit para sa pag-edit ng HTML files tulad ng Microsoft FrontPage. Ang artikulong ito ay nagtuturo kung paano ang paggawa ng simpleng webpage.

Ang HTML ay mayroong mga bukas na tag at saradong na tag na naghahati-hati sa bawat sektion ng dokumento upang makagawa ng elemento o elements. Upang lalung mas maintindihan ang kaibahan ng tags at elements, tignan. Ito ang isang simpleng halimbawa ng dokumentong HTML.

<html>
<head>
<title>Ang aking Unang HTML na pahina</title>
</head>
<body>
<h1>Ang aking Unang HTML na pahina</h1>
<p>Lorem ipsum dolor sit amet, consectetuer adipiscing elit. Nullam eget quam. Sed at augue.
Fusce vulputate interdum nisl. Vestibulum eleifend sollicitudin dolor.
</p>
</body>
</html>

Maari mo itong kopyahin sa Notepad at i-save sa filename na index.html. Buksan ang iyong browser at i-open ang nagawang file.

PHP para sa nagsisimula

October 16, 2007

Ang PHP ay wikang pamprograma na kadalasang ginagamit sa paggawa ng dynamic web page. Ang PHP ay may rekursibong daglat na ang ibig sabihin ay PHP: Hypertext Preprocessor. Para sa pagsetup ng Apache, MySQL at PHP, tignan ang pahina.

Ang PHP code ay nasa loob ng “<?” at “?>”, tinatawag itong PHP tag. Ang nasa labas ng PHP tag ay ilalabas lang sa screen o output stream. Ang nasa loob naman ng PHP tag ay ang PHP code, maaari kang gumawa ng logic sa loob ng tag na ito.

Simpleng halimbawa ng PHP Code

<? echo “Hello World”; ?>

Read the rest of this entry »

Ang Pagsetup ng Apache, MySQL at PHP

September 13, 2007

Ang artikulong ito ay nagtuturo kung paano mag-install ng Apache, MySQL at PHP sa Windows NT/XP, kadalasan na tinatawag din na W.A.M.P. Ito ay para lamang sa inyong lokal na host at hindi ito naka deploy sa World Wide Web. Ginagamit ito upang makapagpatakbo ng Web Server. Ang Apache, MySQL at PHP ay magkakaibang program na libre at malayang software na may kanya-kanyang layon. Ang Apache Webserver o HTTPd ang tumatanggap ng hiling o request na galing sa World Wide Web. Ang PHP nanaman ang server-side script na pwedeng ikabit sa HTML pabalik sa Apache, at ang MySQL Database Server naman ang database na humahawak ng malalaking datos. Read the rest of this entry »