Imbak para sa Kategoriyang ‘programming’

READ program (Linux)

Marso 11, 2008

Ginagamit sa pagkuha ng string user input sa standard stream. Halimbawa ay username and password.

Gamit

Ito ang halimbawa ng pagkuha ng username.

read -p 'Enter your username: ' USERNAME

Maiistore ang nakuhang string sa variable na USERNAME, para makita ang naiistore na value, patakbuhin ang command na `to.

echo $USERNAME

Ang halimbawa naman ng pagkuha ng password. Hindi nito ine-echo ang tinatype na characters sa standard output.

read -p -s 'Enter your password: ' PASSWORD

Subukan i-echo ang naistore na value.

echo $PASSWORD

PHP para sa nagsisimula

Oktubre 16, 2007

Ang PHP ay wikang pamprograma na kadalasang ginagamit sa paggawa ng dynamic web page. Ang PHP ay may rekursibong daglat na ang ibig sabihin ay PHP: Hypertext Preprocessor. Para sa pagsetup ng Apache, MySQL at PHP, tignan ang pahina.

Ang PHP code ay nasa loob ng “<?” at “?>”, tinatawag itong PHP tag. Ang nasa labas ng PHP tag ay ilalabas lang sa screen o output stream. Ang nasa loob naman ng PHP tag ay ang PHP code, maaari kang gumawa ng logic sa loob ng tag na ito.

Simpleng halimbawa ng PHP Code

<? echo “Hello World”; ?>

(may karugtong…)

Mga Pahina: 1 2

Ang Pagsetup ng Apache, MySQL at PHP

Setyembre 13, 2007

Ang artikulong ito ay nagtuturo kung paano mag-install ng Apache, MySQL at PHP sa Windows NT/XP, kadalasan na tinatawag din na W.A.M.P. Ito ay para lamang sa inyong lokal na host at hindi ito naka deploy sa World Wide Web. Ginagamit ito upang makapagpatakbo ng Web Server. Ang Apache, MySQL at PHP ay magkakaibang program na libre at malayang software na may kanya-kanyang layon. Ang Apache Webserver o HTTPd ang tumatanggap ng hiling o request na galing sa World Wide Web. Ang PHP nanaman ang server-side script na pwedeng ikabit sa HTML pabalik sa Apache, at ang MySQL Database Server naman ang database na humahawak ng malalaking datos. (may karugtong…)

Mga Pahina: 1 2 3

Ang “Hello World” Program sa C++ (Linux)

Agosto 13, 2007

I. Panimula

Ang C++ ay computer programming language. Kinakailangan nito ng compiler upang i-convert ang text sa executable program. Maraming libreng compiler sa internet tulad sa mga nabanggit dito sa website na ito Free Compiler . Ngunit magko-concentrate tayo sa GCC, ang karaniwang ginagamit na compiler sa Linux.

Hindi sinasaad sa artikulong ito ang C++ Language, bagkus ito ay mga hakbang lamang kung paano mag-compile ng program. Para sa C++ Language, maaari ninyong i-download ang free e-book na Thinking in C++ sa http://www.mindview.net/Books/DownloadSites/

II. Mga Kailangan at Set-up sa pag-compile

Kung ang distro mo ay Ubuntu o Debian base, madali lamang itong i-setup. Kailangan mo ng ipasok ang Ubuntu Installer CD sa CD Drive at i-type ang command na ito.

Code:

# sudo apt-get install build-essential

Kinakailangan mo din ng text edit tulad ng vim, emacs, nano at gedit upang makagawa ng source file. Karaniwan na itong built-in sa mga distro tulad ng Ubuntu.

III. Ang Unang Program.

1. Buksan ang text editor. itype ang command na
Code:

# gedit main.cpp

o kya i click sa Application>Accesories>Text Editor na makikita sa toolbar.

2. I-type ang source code.

Code:

#include <iostream>
using namespace std;
int main() {
    cout << “Hello World” << endl;
    return 0;
}

I-save at i-exit

3. I compile ang source code. Sa ganitong hakbang iko-convert niya ang source code (ASCII text) at magpo-produce siya ng executable na file. Itype ang command na ito.
Code:

# g++ -o hello main.cpp

4. I-execute ang nagawang program.

Code:

# ./hello

Hola! dapat makita mo ang output na “Hello World” sa screen.