Ang notifyBar ay ginagamit upang magbigay ng impormasyon sa user. Tulad halimbawa pagtapos ng pagsave, sasabihin ng web application sa user kung ito ay matagumpay o may error.
Ipapakita dito kung paano i-setup at paggamit ng jQuery.notifyBar sa Session->flash() ng CakePHP.
Mga kailangan
- Apache, MySQL at PHP.
- CakePHP
- jQuery.notifyBar
Setup
Hakbang 1: Pumunta sa folder ng cakephp application. Gumawa ng file sa app/views/element/notify_bar.ctp.
Hakbang 2: Ilagay ang sumusunod na code
<?php
$default = array(
'cls' => '',
'close' => true,
'delay' => 2000,
'animationSpeed' => 'normal',
);
extract($default, EXTR_SKIP);
ob_start();
?>
$(function () {
$.notifyBar({
html: "<?php echo $message;?>",
cls: "<?php echo $cls; ?>",
close: "<?php echo $close; ?>",
delay: <?php echo $delay; ?>,
animationSpeed: "<?php echo $animationSpeed; ?>"
});
});
<?php echo $this->Javascript->codeBlock(ob_get_clean()); ?>
Gamit
Sa inyong controller, maaari kayong mag pasa ng argument sa $this->Session->setFlash() tulad ng halimbawang ito:
if ($success) {
$this->Session->setFlash('Iyong mensahe', 'notify_bar');
}
Maaari ding mag-pasa ng params sa notify_bar elements katulad ng pagpasa ng params sa jQuery.notifyBar. Halimbawa:
if ($success) {
$this->Session->setFlash('Matagumpay na mensahe', 'notify_bar', array('cls' => 'success'));
} else {
$this->Session->setFlash('May error na mensahe', 'notify_bar', array('cls' => 'error'));
}
Pagsasaayos
Mga iba pang params na maaaring i-set.
- cls – class
- close – kung mayroong close link
- delay – kung gaano katagal magview ang notify sa milisegundo
- animationSpeed – kung gaano kabilis ang animation, mga pagpipilian: ‘normal’, ‘slow’, ‘fast’

Setyembre 4, 2010 bandang 5:44 umaga |
base!
para saan ang notifybar?
Setyembre 4, 2010 bandang 3:02 hapon |
Ang notifyBar ay ginagamit upang magbigay ng impormasyon sa user. Tulad halimbawa pagtapos ng pagsave, sasabihin ng web application sa user kung ito ay matagumpay o may error.