PHP para sa nagsisimula

By tristan622

Ang PHP ay wikang pamprograma na kadalasang ginagamit sa paggawa ng dynamic web page. Ang PHP ay may rekursibong daglat na ang ibig sabihin ay PHP: Hypertext Preprocessor. Para sa pagsetup ng Apache, MySQL at PHP, tignan ang pahina.

Ang PHP code ay nasa loob ng “<?” at “?>”, tinatawag itong PHP tag. Ang nasa labas ng PHP tag ay ilalabas lang sa screen o output stream. Ang nasa loob naman ng PHP tag ay ang PHP code, maaari kang gumawa ng logic sa loob ng tag na ito.

Simpleng halimbawa ng PHP Code

<? echo “Hello World”; ?>

Variable

Ang variable sa PHP ay dynamically typed, na ang ibig sabihin ay hindi mo na kailangan i-declare ang type ng isang variable para mag-assign ng value dito, bagaman may mga exception dito tulad ng String.

Ang pag-assign naman ng value sa variable ay ganito

<?
$num1 = 1;
$num2 = 3;
$sum = $num1 + $num2;
echo $sum;
?>

Tanda: Ang <?php echo $konteksto ?> ay kasing kahulugan ng <?=$konteksto?>

/* — output –
4
*/

Maaari ka ding mag-assign ng string sa variable tulad nito

<?
$fname =’Juan’;
$lname = ‘dela Cruz’;
echo $fname . ‘ ‘ . $lname;
?>

/* — output –
Juan dela Cruz
*/

Control Structure

Ang mga control structure sa PHP ay hindi nagkakalayo sa control structure ng C++. Isinasakatuparan ang mga kumpol na pangungusap o statement kung ang ibang kalagayan ay tama.

Mga halimbawa ng control structure sa PHP:

// if statement
<?
$a = 5; $b = 3;
if ($a > $b) {
echo “Ang ‘a’ ay mas mas malaki sa ‘b’\n”;
}
?>

// for statement
<?
for($i = 0; $i < 10; $i++) {
echo $i . ‘, ‘;
}
?>

/* — output
0, 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9,
*/

// foreach statement
<?
$mga_prutas = array(”saging”, “mangga”, “mansanas”, “ubas”);
foreach ($mga_prutas as $prutas) {
echo $prutas .”\n”;
}
?>

/* — output –
saging
mangga
mansanas
ubas
*/

Function

Maraming pre-built function sa PHP na pwede mo na agad gamitin. Pwede ka ding gumawa ng sarili mong function. Simple lang ang syntax.
<?
// ang syntax ng function:
function function_name([$param1, $param2, …]) {
mga_statement;
[return $value];
}
// ang pag-tawag sa function
function_name([$param1, $param2, …]);
?>

Ang function o tungkulin ay parang subprogram na gumagawa ng sarili nyang task. Maaari din itong mag return ng value base sa nagawa nitong process sa loob ng function. Ginagamit ito upang maiwasan ang pauli-ulit na pag-code sa bawat maliliit na task. Maari ding tawagin ang ibang function sa loob ng function, tulad ng top-down design.

Rekursibo ay isang teknik kung saan ay tinatawag ng function ang kanyang sarili.

Halimbawa ay ang pagkuha ng square ng isang numero.

<?
function square($num) {
return $num * $num;
}
$x = square(4);
?>

/* — output –
16
*/

Mga Pahina: 1 2

Mag-iwan ng Tugon