Ang artikulong ito ay nagtuturo kung paano mag-install ng Apache, MySQL at PHP sa Windows NT/XP, kadalasan na tinatawag din na W.A.M.P. Ito ay para lamang sa inyong lokal na host at hindi ito naka deploy sa World Wide Web. Ginagamit ito upang makapagpatakbo ng Web Server. Ang Apache, MySQL at PHP ay magkakaibang program na libre at malayang software na may kanya-kanyang layon. Ang Apache Webserver o HTTPd ang tumatanggap ng hiling o request na galing sa World Wide Web. Ang PHP nanaman ang server-side script na pwedeng ikabit sa HTML pabalik sa Apache, at ang MySQL Database Server naman ang database na humahawak ng malalaking datos.
Mga kailangan na program
I-download ang mga sumusunod na program sa nasabing address. Piliin lamang ang binary release (hindi source code) na pang Windows at x86 na platform. Nakasaad din ang bersyon na ginamit na program sa artikulong ito.
- Apache HTTPd (2.2.4) – http://httpd.apache.org/
. - PHP (5.2.4) – http://www.php.net/
. - MySQL Database Server (5.0.41) – http://dev.mysql.com/
.
Pagsetup ng Apache HTTPd
Matatagpuan ang binary release installer na pang Windows sa download section ng Apache at pumunta sa “Other files » Binary Releases » win32/ » apache_x.x.x-win32-x86-no_ssl.msi“. Patakbuhin ang na download na Apache HTTPd executable. Pagkatapos ay may makikita kang “Installation Wizard” Form. I-click lamang ang Next hanggang sa makita mo ang form na ito at sagutan ang mga sumusunod na field.
- Network Domain: localhost
- Server Name: localhost
- Admin Email Address: admin@example.com

Piliin ang Typical na setup. At I-click ang Next.



Hintaying matapos ang pag-install.

I-click ang Finish na button para sa huling hakbang.

Subukin ang Apache gamit ang paborito mong web browser. I-type sa location bar ang “http://localhost” at I-press ang Enter.

Ang gamit kong web browser ay Mozilla Firefox, ito ay libre at malayang software.
Pagnakita mo ang katulad ng nasa itaas ay matagumpay mong na-install ang Apache HTTPd.
Oktubre 16, 2007 bandang 8:13 umaga
[...] Tristan622’s Weblog Just another <strong>nonsense</strong> weblog « Ang Pagsetup ng Apache, MySQL at PHP [...]
Mayo 30, 2008 bandang 10:11 hapon
Salamat Tristan.
Sa tinagal-tagal ko ginamit ang Apache, MySQL at PHP, ngayon ko lang nasubukang isetup ang AMP sa ganitong paraan. Package na kasi ang ginagamit ko dati.
Hulyo 25, 2008 bandang 2:01 hapon
kuta bakit wala po….di po gumana yung apache pagakatpos ko po past yung php config sa apache conf? bat po ayaw gumana?
Hulyo 26, 2008 bandang 2:09 umaga
ano yung code na nilagay mo sa apache conf?
Agosto 1, 2008 bandang 1:32 hapon
Ei….. ginawa ko ung sinabi mo. It worked fine. Na-install ko si apache. Pero nagkaroon pala sya ng conflict sa php. At least nashare ko syo. May version version compatibility issues pala sila. At nakakabad trip kasi after how many reboot at install…. A friend told me mag-xamp na lang dahil nga sa mga version incompatibility ng php at apache. At sa awa ng langit….. Hindi rin ni xampp ma-iset up ng maayos si php. Ay life
Agosto 1, 2008 bandang 10:46 hapon
try nyo din po ang wamp kung di umipek ang xamp.
Agosto 2, 2008 bandang 4:08 umaga
nag-eeror lagi sa line ng phpinidir at loadmodule…. Either invalid file location or hindi nya naiintindihan ang phpinidir command sa httpd.conf
Same naman ung lines mo sa lines na nakuha ko sa ibang guide pro talagang di ko maayos ung loadmodule at phpinidir nya