Noong Mayo ng 2004 ay nagpakabit kami ng Internet sa Meridian Telekoms, Inc.(na ngayon ay SmartBro) sa pinatayo naming computer shop. Dati kami lang ang mayroong Internet access sa lugar na iyon na iki-natuwa ng marami naming customer. Nung halos unang taon namin naka-connect sa Meridian halos wala kaming prublema sa connection at maganda ang kanilang serbisyo.
Pagkaraan ng ilang buwan ay binili ng Smart ang rights ng Meridian[1], na ibig sabihin nito ay magiging SmartBro na ang aming connection. Isang araw ay tumawag ang Smart sa akin at sinabing papalitan daw nila ang aming antenna ng Canopy (na dati ay Senfar) upang mas mapaganda ang kalidad ng kanilang connection (upgrade daw). Subalit taliwas sa kanilang sinabi ang nangyari. Nakaranas kami ng intermittent connection na tumagal ng halos 3 linggo na naging sanhi ng unang buhos ng pagkalugi ng aming negosyo. Paulit-ulit akong tumawag sa Smart upang i-reklamo ang nasabing prublema. Pagkaraan ng halos 2 linggo ay natugunan na din ang aming hinaing (sa wakas). Ipinabalik ko sa dati naming antenna na Senfar. Sabi ng technician ay balak na daw kasi nilang palitan ang lahat ng Senfar ng Canopy sapagkat tatanggalin na nila ng transmitter na para dito. Naging maganda naman ang connection namin na umabot ng halos isang taon. (may karugtong…)